Batang estudyante, aksidenteng nabaril sa ulo sa Caloocan City

Kritikal ngayon ang kondisyon ng walong taong gulang na batang estudyante matapos siyang aksidenteng tamaan ng bala sa ulo sa loob mismo ng kanilang tahanan sa Barangay Tala, Caloocan City.

Ayon kay Senior Supt. Jemar Modequillo ng Caloocan City police, nakilala ang batang bitkima na si Micaela Bagallon.

Base sa imbestigasyon, ikinasa ng security guard ng National Housing Authority compound sa Barangay 188 na si Florentino Singaya ang kaniyang service firearm, sa pag-aakalang wala itong laman.

Sa kasamaang palad, may laman palang bala ang kaniyang shot gun, kaya tumama ang bala nito sa tahanan nina Bagallon at sumakto sa ulo ni Micaela na kumakain ng hapunan nang mangyari ang insidente.

Sa ngayon ay nasa Tala Medical Hospital ang bata, habang naka-ditine na sa Caloocan Police si Singaya na naaresto matapos ituro ng construction worker na nakasaksi sa insidente.

Read more...