Ginebra, champion sa 2017 PBA Governor’s Cup; LA Tenorio, itinanghal na MVP

Panalo ang Barangay Ginebra kontra Meralco sa winner-take-all Game 7 sa score na 101-96 para tanghaling kampeon sa 2017 PBA Governors’ Cup Finals ngayong gabi sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Ito na ang back to back Governors’ Cup Title ng Ginebra.

Sa kabuuan, ito na ang ika-sampung PBA title ng Barangay Ginebra San Miguel.

Samantala, ito naman na ang ika-dalawampung kampeonato ni Coach Tim Cone.

Ito na ang pangalawang beses ng Bolts na makabilang sa PBA championship.

Matatandaang napwersa ng Meralco ang Ginbera na magkaroon ng do or die na Game 7.

Itinanghal na Most Valuable Player ng torneo si LA Tenorio na naglaro ng mahigit 40 minuto sa huling tatlong laro ng finals matapos magtamo ng injury si Sol Mercado.

Ani Tenorio, ibang klase ang naging sakripisyo ng kanyang koponan matapos ibigay ang lahat ng makakaya.

Samantala, muling nakamit ng PBA ang panibagong record sa gate attendance sa finals matapos manood ang aabot sa 54,068 na katao.

Mas mataas ito sa attendance record na nakamit lamang noong Miyerkules sa Game 6.

Read more...