Nagbabala ang Department of Justice (DOJ) laban sa paglalabas ng nilalaman ng pinanumpaang salaysay ni Marc Anthony Ventura sa witness protection program (WPP) patungkol sa hazing ng UST law student na si Horacio Atio Castillo III.
Sa isang pahayag, sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng section 7 ng Repubic Act 6981 o an act providing for a witness protection, security and benefit program, walang impormasyon o dokumento na isinumite para sa aplikasyon sa WPP ang dapat isa-publiko maliban kung may nakasulat na pahintulot mula sa Department of Justice o sa korte.
Iginiit ni Aguirre na wala pa siyang inilalabas na written authorization para sa pagsasapubliko ng kopya sinumpaang salaysay ni ventura na isinumite niya sa WPP.
Pero sa mga naunang balita, si Aguirre ang kino-quote na source ng nilalaman ng pahayag ni Ventura.
Anuman aniyang kopya ng salaysay ni Ventura na nakuha at isinapubliko ninuman ay iligal at papatawan ng kaukulang kaparusahan.