Resolusyon ng DOJ panel sa kaso ni Kian Delos Santos, ilalabas sa Nobyembre

Maglalabas na ang DOJ panel of prosecutor ng resolusyon sa kasong pagpatay sa teenager na si Kian Delos Santos.

Ito ay makaraang makapaghain ng kani-kanilang joint rejoinder ang mga karagdagang respondent sa kaso kabilang ang mga miyembro ng Caloocan police na isinasangkot sa pagpatay at pormal na tapusin ng Department of Justice (DOJ) ang preliminary investigation nito sa kaso.

Dahil dito sinabi ni Associate Prosecution Attorney Moises Acayan na submitted for resolution na ang kaso.

Target ng panel na maglabas ng resolusyon sa kaso sa ikalawang linggo ng Nobyembre pero ito ay nakadepende pa rin sa magiging pagbasa nina Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon at Acting Prosecutor General Jorge Catalan Jr.

Kumpiyansa naman si Atty. Oliver Yuan, abogado ng mga respondent na maabswelto ang kaniyang mga kliyente dahil maliban kina Oares, Pereda at Cruz na nasa crime scene dahil ang iba sa mga respondent ay hindi kasama sa oplan galugad habang ang iba ay wala sa pinagyarihan ng pagpatay kay Kian.

Read more...