Pumalo na sa mahigit 58, 000 ang bilang ng mga pasahero na naitala ng Philippine Coast Guard na bumiyahe sa karagatan para sa paggunita ng Undas.
Ayon sa pinakahuling datos ng Coast Guard, as of 12NN ngayong Biyernes, 58,419 na outbound passengers na ang kaninang naitala.
Western Visayas – 14,274; sinundan ng Central Visayas – 13,620; South Eastern Mindanao – 5,506; Bicol – 4,566; Southern Tagalog – 4,360; Central Luzon – 4,310; Palawan – 4,179; Northern Mindanao- 3,094; Eastern Visayas – 2,291; South Western Mindanao – 1,568; North Western Luzon – 561; at North Eastern Luzon – 90.
Ayon kay Coast Guard Spokeperson Capt. Arman Balilo, wala namang kanselasyon ng biyahe ng mga barko.
Gayunman, pinapayuhan nito ang mga maliliit na sasakyang pandagat na huwag pumalaot sa mga lugar na mayroong gale warning na itinaas ang PAGASA sa pagitan ng Samar at Sorsogon.