Patay ang limang miyembro ng robbery at carnapping group makaraang maka-engkwentro ng mga otoridad sa bayan ng Pozorrubio sa Pangasinan.
Ayon kay Sr. Supt. Ronald Lee, provincial director ng Pangasinan Police, Huwebes pa ng gabi nang magsagawa sila ng follow-up operation laban sa mga suspek.
Sinabi ni Lee, may natanggap na silang sumbong na nangholdap ang grupo ng isang gasoline station kamakailan.
Huwebes ng gabi, isa na namang report ang ipinarating sa pulisya na may tinangay na Toyota Fortuner ang limang suspek.
Ayon kay Lee, natyempuhan ng mga otoridad ang grupo sa isang resort sa bayan ng Pozorrubio at doon na naganap ang engkwentro.
Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng limang suspek.
MOST READ
LATEST STORIES