LOOK: Official FB page ng OPS, nag-post ng komento laban sa isang journalist

May panibagong blunder na kinasasangkutan ang Office of the Presidential Spokesperson (OPS).

Ito ay matapos magkomento ang official Facebook page ng Office of the Presidential Spokeserpson ni Undersecretary Ernesto Abella sa Facebook live ng Minadanao Hour briefing sa Malakanyang.

Sa komento ng official Facebook page ng OPS, sinabi na si “Pia at si Lourd De Vera ay pantay na sa kakupalan”.

Pero agad na dumipensa ang OPS at sinabing ang dating admninistrator ng Facebook page ang nag-post ng komento.

Ayon pa sa OPS, hindi na konektado sa kanilang tanggapan ngayon ang dating administrator.

Iginiit pa ng OPS na hindi sumasalamin sa official at personal views ng presidential spokesman ang naturang komento.

Matapos ang nangyari, tinanggalan na ng access sa Faceboook page ang dating administrator.

Samantala, -pansin na hindi na dumalo sa briefing si Abella sa gitna na rin ng mga naglalabasang balita na papalitan na umano siya sa pwesto ni Congressman Harry Roque.

Pero ayon kay Assistant to the Presidential Spokesperson China Jocson, may importanteng meeting lamang na dinaluhan si Abella.

Katunayan, isang oras bago ang briefing dadalo sana si Abella pero nagkaroon ng emergency na pagpupulong na kinakailangan niyang puntahan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...