Mga dating Immigration official na nasuhulan umano ni Jack Lam, nahaharap sa kasong plunder

Iniutos na ng Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kasong plunder laban kita dating Immigration Associate Commissioners Al Argosino at Michael Robles.

Ito ay kaugnay sa panunuhol ng gambling tycoon na si Jack Lam kina Argosino at Robles ng 50 million pesos.

Kasama ding pinakakasuhan ang umano’y middleman ni Jack Lam na si Wally Sombero.

Sa pasya ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, tuloy ang kasong plunder kina Argosino, Robles at Sombero kahit na kulang ng isang libong piso ang naiturn-over na salapi sa Department of Justice o DOJ.

May probable cause din laban sa mga personalidad, batay sa lumabas sa pagsisiyasat ng anti-graft body.

Ayon sa Ombudsman, hindi napasinungalingan nina Argosino at Robles ang statement ng mg associate ni Lam na 50 milliom pesos ang perang ibinigay sa dalawa sa City of Dreams.

Bukod naman sa plunder, mahaharap pa sina Argosino, Robles at Sombero ng kasong graft, direct bribery at dalawang counts ng paglabag sa Presidential Decree 46 na nagbabawal sa pagtanggap o pagbibigay ng regalo ng sinumang taga-gobyerno kapalit ng pabor.

Sa Lam, ayon sa Ombudsman, at pinakakasuhan ng direct bribery dahil sa panunuhol sa dalawang dating BI officials.

Hindi naman lusot sa kasong graft at direct bribery si dating Immigration Intelligence Chief Charles Calima, na sinasabing tumanggap ng 18 million pesos mula sa salapi ni Lam.

Matatandaang si Lam ay ang may-ari ng isang gambling operations sa Fontana Leisure Park sa Clark, Pampanga na sinalakay ng BI.

Upang mapalaya ang nasa isang libong Chinese na ilegal na nagta-trabaho sa bansa, 50 million pesos umano ang isinuhol ni Lam.

 

 

 

 

 

Read more...