Airport na popondohan ng San Miguel Corp. sa Bulacan, sumasailalim na sa final review ng NEDA

SMC Proposal

Naisumite na para sa final review ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang unsolicited proposal ng kumpanyang San Miguel Corp. (SMC) para sa pagtatayo ng paliparan sa Bulacan.

Ang nasabing proposed project ng SMC ay tinatayang nasa P700 billion ang halaga.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, isinumite nila sa NEDA ang proposal para sumailalim sa final evaluation.

Inaunsyo ito ni Tugade sa kaniyang keynote address sa Philippine Aviation Day sa Makati City.

Ani Tugade, naisailalim na sa assessment ng DOTr ang nasabing proposal kaya inindorso naman nila ito sa Investment Coordination Committee ng NEDA.

Sa ilalim ng proposal project, itatayo ng SMC ang paliparan sa 2,500 na ektaryang lupain sa Bulakan, Bulacan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...