Bagyong Quedan, bumagal habang kumikilos palabas ng bansa

Napanatili ng severe tropical storm Quedan ang lakas nito pero bahagyang bumagal habang nasa karagatang sakop ng Pilipinas at kumikilos papalabas ng bansa.

Ang bagyo ay huling namataan sa 795 kilometers East ng Basco Batanes.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 90 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 115 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 19 kilometers bawat oras sa direksyong North Northwest.

Ayon sa PAGASA, bukas ng umaga inaasahang lalabas na ng northern boundary ng Pilipinas ang bagyo at magtutungo sa Southern Islands ng Japan.

Sinabi ni PAGASA weather forecaster Rob Gile, ,aari ding lumakas pa ito at maging typhoon habang palabas ng bansa.

Ngayong araw, sinabi ng PAGASA na dahil sa umiiral na ITCZ, maaring makaranas ng kalat-kalat na pag-ulan sa Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga at Palawan.

 

 

 

 

 

Read more...