WATCH: 22-wheeler truck na nanagasa sa Batasan sa QC, naitabi pa ng driver bago ang insidente

Kuha ni Juan Bautista

Nakuhanan sa CCTV ng barangay ang 22-wheeler truck na tumabi pa at tila nais ihinto ng driver nitong si Nilo Calimutan.

Ayon kay Calimutan, itinabi niya ang truck nang maramdaman na tila humihina na ang preno nito at inatasan niya pa ang pahinante na kalsuhan ang truck.

Pero habang nakatabi, unti-unting umuusad ang truck sa pababang bahagi ng kalsada ng San Mateo-Batasan Road.

Si Calimutan ay nahaharap sa patung-patong na kaso at ngayon ay nakakulong sa traffic sector 5 ng QCPD.

Narito ang report ni Jong Manlapaz:

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...