Ilang provincial buses sa Araneta Center Bus terminal, fully booked na

Kuha ni Cyrille Cupino

Ilang araw bago ang paggunita sa Undas, punuan na ang biyahe ng mga bus sa mga lalawigan.

Sa Araneta Center Bus terminal sa Cubao, simula pa noong nakaraang linggo ay marami na ang nagpa-reserve ng ticket pauwi sa Bicol.

Ang mga air-conditioned bus na biyahe Bicol ay fully booked na.

Sa kabila nito, may mga dagdag na bus na bibiyahe kaya maari pa ring ma-accommodate ang mga pasahero.

Matumal pa naman sa ngayon ang mga pasahero sa Araneta Center at mula mamayang gabi hanggang bukas (Sabado) ng umaga inaasaan ang umpisa ng dating mga uuwi sa mga lalawigan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...