Philippine Coast Guard, nakapagtaka na ng libu-libong pasaherong nagsisiuwian sa mga lalawigan

Kuha ni Jan Escosio

Pumalo na sa mahigit 16, 000 ang bilang ng mga pasahero na naitala ng Philippine Coast Guard na bumiyahe sa karagatan para sa paggunita ng Undas.

Ayon sa pinakahuling datos ng Coast Guard, as of 6AM ngayong Biyernes, 16,499 na outbound passengers na ang naitala mula alas 12:00 ng hatinggabi.

Pinakamarami rito ay sa mga pantalan sa Central Visayas na may naitalang 7, 049; sinundan ng Southern Tagalog na mayroong 2, 826; Western Visayas na may 2, 814; sa Bicol Region naman ay may 1, 405; sa Eastern Visayas ay maroon 1, 153 at Northern Mindanao na may 793 na mga pasahero.

Ayon kay Coast Guard Spokeperson Capt. Arman Balilo, wala namang kanselasyon ng biyahe ng mga barko.

Gayunman, pinapayuhan nito ang mga maliliit na sasakyang pandagat na huwag pumalaot sa mga lugar na mayroong gale warning na itinaas ang PAGASA sa pagitan ng Samar at Sorsogon.

 

 

 

 

 

Read more...