Caloocan diocese, may 9-day novena mass para sa mga biktima ng war on drugs

Radyo Inquirer File Photo

Naglunsad ng 9-day novena mass ang Caloocan diocese para sa mga biktima ng drug war.

Ayon kay Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, ang 9-day novena ay inumpisahan na at magtatapos sa November 2, All Souls’ Day.

Isinasagawa ang araw-araw na novena sa San Roque Cathedral na dinadaluhan ng pamilya ng mga biktima ng drug related killings at mga human rights advocate.

Ayon kay David, maliban sa mga nasawi sa war on drugs, kasama ring ipinagdarasal sa novena masses ang mga nasawi sa giyera sa Marawi City.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...