Nakatakda nang ideklara ng PAGASA sa susunod na linggo ang pormal na pagpasok ng northeast monsoon o hanging amihan.
Ayon kay PAGASA forecaster Nicos Peñaranda, pormal nang iiral ang panahon ng amihan at mararanasan na ang malamig na panahon sa bansa.
Samantala, nasa 4 hanggang 5 bagyo pa ang posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bago matapos ang taong 2017.
Kabilang dito ang 1 hanggang 2 bagyo ngayong buwan ng Nobyembre at 1 hanggang 2 o 3 sa buwan ng Disyembre.
Magugunitang noong October 11, idineklera ng PAGASA ang termination o pagtatapos ng pag-iral ng Habagat o southwest monsoon.
MOST READ
LATEST STORIES