Bagyong Quedan, lalakas pa habang papalabas ng bansa

Napanatili ng severe tropical storm Quedan ang lakas nito at huling namataan sa 915 kilometers East ng Basco Batanes.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 90 k ilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 21 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 210 kilometers bawat oras sa direksyong North Northwest.

Ayon sa PAGASA, bukas ng umaga inaasahang lalabas na ng northern boundary ng Pilipinas ang bagyo at magtutungo sa Southern Islands ng Japan.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Rob Gile, ,aari ding lumakas pa ito at maging typhoon habang palabas ng bansa. Pero hindi rin ito inaasahang tama sa kalupaan ng Japan.

Ngayong araw, sinabi ng PAGASA na dahil sa umiiral na ITCZ, maaring makaranas ng kalat-kalat na pag-ulan sa Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga at Palawan.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...