P330M, ayuda ng San Miguel Corp. sa mga pamilya ng Marawi Heroes

FB PHOTO SCOUT RANGER BOOKS

Inanunsyo ng San Miguel Corporation na magbibigay ito ng 330 milyong pisong ayuda para sa mga pamilya ng mga sundalo at pulis na nasawi sa pakikipagbakbakan sa Marawi.

Ito ang paraan ng pasasalamat ni SMC President and Chief Executive Officer Ramon Ang sa mga awtoridad dahil sa kanilang sakripisyo.

Bawat pamilya ng 165 na mga nasawing sundalo at pulis ay makatatangap ng tig- 2 milyong piso na maaaring magamit nila bilang kapital sa pagnenegosyo.

Ayon kay Ang, napalaya ang Marawi dahil sa dedikasyon, galing, pagkamakabayan at katapangan ng mga sundalo at pulis.

Dagdag pa niya, hindi mababayaran ang kanilang naging sakripisyo ngunit nararapat na pasalamatan ang mga ito at tulungang maisakatuparan ang kanilang mga pangarap at magandang buhay para sa kanilang mga pamilya.

Nasa 158 na sundalo at pitong pulis ang namatay sa halos limang buwang pakikipagbakan laban sa ISIS-inspired Maute group sa nasabing lungsod.

Read more...