Nilinaw ni United States Ambassador to the Philippines Sung Kim na walang balak ang Central Intelligence Agency (CIA) na patalsikin sa puwesto o patayin si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Kim, iginagalang ng US ang mandato ni Duterte na nakuha niya noong 2016 elections.
Katunayan, sinabi ni Kim na matatag ang relasyon ng Pilipinas at U.S.
Wala rin aniyang hakbang na ginagawa ang CIA para maliitin ang pamumuno ni Duterte.
Una dito, ibinunyag ng pangulo na balak siyang patayin ng CIA at kalaunan ay patatalsikin sa puwesto.
MOST READ
LATEST STORIES