Sinibak na sa serbisyo ng Office of the Ombudsman si Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog.
Ito ay matapos mapatunayan na guilty sa serious dishonesty si Mabilog dahil sa unlawful acquisition of wealth.
Nabatid na si dating Iloilo Provincial Administrator Manuel Mejorada ang naghain ng kaso laban kay Mabilog.
Si Mabilog ay isa sa mga local officials na tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa ilegal na droga.
Kahapon lamang, nagbanta ang pangulo na isusunod niya si Mabilog kina Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa at Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog na kapwa napatay sa ikinasang anti-drug operation.
Tinawag rin ng pangulo na “most shabulized city” ang lungsod ng Iloilo.
Kasalukuyang nasa Canada si Mabilog at ang kanyang pamilya makaraan itong mag-file ng leave of absence kamakailan.