Ito ay kaugnay ng umano’y 2.9 bilyong pisong tax deficiency ng mag-asawa.
Inaakusahan ng BIR na hindi nagbayad ng buwis si Erap at Loi sa ‘di umano’y kanilang combo account sa noon ay Equitable PCI Bank.
Ang account ay nakilalang kay Jaime Dichavez ngunit iginiit ng gobyerno na ito ay dummy account ng dating pangulo.
Sa isang 21 pahinang desisyon, pinagtibay ng CTA ang una ng desisyon ng Second Division ng korte noong November 2015.
Ayon sa CTA. Bigo ang BIR na patunayan ang tax assessment laban sa mag-asawa dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Iginiit ng CTA en banc na nalabag ng BIR ang “right to due process” ng mga Estrada.