Giit ng pangulo, kung ayaw tanggapin ng EU ang kanyang eksplanasyon, pwede nang dumeretso sa impyerno ang mga ito.
Paulit-ulit na aniya niyang ng iginigiit sa European Union ang mga sirkumstansya sa likod ng mga nasasawing drug suspects sa ilalim ng kanyang antidrug war.
Nanlaban aniya ang mga ito kaya’t napipilitan ang mga alagad ng batas na gumanti lamang ng putok.
Kanya na rin aniyang itinatalaga si dating Senador Edgardo Angara bilang envoy sa EU upang iparating ang kanyang paliwanag hinggil sa mga naturang kaso.
Gayunman, kung ayaw aniyang makinig ng mga ito sa paliwanag ni Angara ay wala na siyang magagawa.