Sa 11:00 PM update ng PAGASA namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,345 kilometro sa silangang bahagi ng Casiguran, Aurora.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 80 kph at pagbugsong nasa 95 kph.
Tinatahak ng bagyong ‘Quedan’ ang direksyong Northwest sa bilis na 21 kilometro kada oras.
Ayon sa weather bureau, hindi tatama sa lupa ang naturang bagyo.
Gayunman, inaasahang magdudulot pa rin ng kalat-kalat na pag-ulan at maulap na papawirin sa Kabisayaan at Bicol region ang outer rain bands ng naturang bagyo.
MOST READ
LATEST STORIES