Naganap ang koronasyon ng pageant sa Phu Quoc Island sa Vietnam kagabi.
Si Clenci, ay isang half Romanian at lumaki sa Australia.
Sa kanyang sagot sa Q and A ay iginiit ng beauty queen ang kahalagahan ng pagmamahal, habag. edukasyon at pag-unawa upang makamit ang kapayapaan.
Itinanghal naman na Miss Grand International si Maria Jose Lora ng Peru na sinundan ng Venezuelan na si Tulia Aleman Ferrer bilang 1st runner up.
Kabilang din sa Top 5 sina Miss Puerto Rico at Miss Czech Republic.
Bago pa man ianunsyo ang Top 5 ay namigay ng special awards sa mga kandidata kung saan nakuha ni Miss China ang Best in Evening Gown; ibinigay naman ang Miss Paradise Cave Heritage Award kay Miss Thailand; habang Best in Social Media naman si Miss Paraguay.
Noong nakaraang taon, itinanghal ang pambato ng Pilipinas sa nasabing pageant na si Nicole Cordoves bilang 1st runner up.