Cayetano kumambyo, Pilipinas tatanggap pa rin ng ayuda mula sa EU

 

Kumambyo si Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa nauna nitong pahayag na hindi na tatanggap ang Pilipinas ng tulong mula sa European Union (EU).

Sa pagkakataong ito, iginiit naman ngayon ni Cayetano na tatanggap pa rin ng foreign aid ang Pilipinas sa ibang mga bansa, kabilang na ang EU.

Sa turnover ceremony ng mga bagong armas at kagamitan mula sa Russia, sinabi ni Cayetano na kung wala namang kondisyong hinihingi ang alinmang bansa sa kanilang tulong na ibibigay, handa ang Pilipinas na tanggapin ang ayuda nito.

Kung hindi rin naman aniya maaapektuhan ang soberenya ng bansa ay malugod itong tatanggapin ng pamahalaan.

Matatandaang kamakailan lamang, mariing sinabi ni Cayetano na hindi na tatanggap ng tulong mula sa EU ang Pilipinas dahil sa pakikialam umano nito sa usaping panloob ng bansa na una nang binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Read more...