Atio Castillo, pinahirapan ng 3 oras-witness

 

Tumagal ng mahigit tatlong oras ang pagpapahirap sa UST Law student na si Horacio ‘Atio’ Castillo III sa kamay ng mga miyembro ng Aegis Juris fraternity.

Ito ang kuwento ng isa sa Aegis Juris member at respondent sa kasong pagpatay kay atio na si Marc Ventura sa Department of Justice matapos itong mag-aplay na maging state witness.

Sa salaysay ni Ventura, September 16 pa lang ay kasama na ni Atio ang mga miyembro ng fraternity sa Aegis Juris library pero nagsimula ang initiation dakong ala-1:00 ng madaling araw ng september 17.

Inumpisahan ang hazing sa pamamagitan ng pagsuntok sa braso ni Atio hanggang sa ito’y mamaga.

Sabi ni Ventura, sampoung miyembro ng frat ang naghalinhinan na sumuntok kay Atio sa loob ng isang oras.

Noong maga na ang braso ni Atio, isinunod ang pagpalo ng spatula bago hinataw ng paddle.

Ayon kay Aguirre, base sa kwento ni Ventura, dapat papaluin ng 11 beses si Atio pero pang-apat na palo pa lang ay nag -collapse na ito at ungol na lamang ang isinasagot sa mga tanong sa kanya.

Dahil dito, pinagpahinga sandali at nang magkamalay at pinalo uli dahilan para mawalan ito muli ng malay ganap na alas-5:00 ng madaling araw.

Sinubukan aniya nilang i-revive si Atio kabilang ang pagpatak dito ng kandila para malaman kung nakakaramdam pa ito ng sakit.

Base sa tradisyon ng Aegis Juris, sasalubungin daw sana ni Atio ang umaga sa pamamagitan ng kanyang pagpasa sa initiation rights pero hindi na ito umabot.

Kumpiyansa si Sec. Aguirre na kahit wala silang makuhang corroborative witness, tatayo sa husgado ang kanilang kaso.

Read more...