16-anyos na binatilyo pinatay ng riding in tandem sa Quezon City

 

Dead on the spot ang isang Grade 10 student matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Babuyan Alley corner General Avenue sa Barangay Bahay Toro sa lungsod Quezon.

Kinilala ang biktima na si Kevin Realtaso, labing anim na taong gulang at estudyante ng Montessori.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nanggaling sa isang birthday party ang biktima at pauwi na ito nang masalubong ang isang riding in tandem.

Agad na tumakbo si Realtaso ngunit pinagbabaril siya ng mga salarin.

Pagkukwento ng ama ni Realtaso, wala siyang alam na kaaway ng anak at hindi rin umano ito sangkot sa iligal na droga.

Dalawang slug ng kalibre trenta y otso na baril ang narekober mula sa pinangyarihan ng insidente.

Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang krimen.

Read more...