Gen. Guerrero itinalaga bilang bagong AFP Chief of Staff

Itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Lt. Gen. Rey Leonardo Guerrero bilang bagong Armed forces of the Philippines Chief of Staff.

Papalitan ni Guerrero si outgoing AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año na magreretiro bukas.

Si Guerrero ay dating commander ng Presidential Security Group at kabilang sa Philippine Military Academy Class of 1984.

Dalawang buwan lamang na manatili sa posisyon si Guerrero bago ang kanyang retirement sa December kung saan sasapit ang kanyang ika-limamput anim na taon na siya namang mandatory retirement age sa mga military personnel

Bago ang kanyang appointment bilang AFP Chief of Staff, si Guerrero ang commanding general ng Eastern Mindanao Command kung saan ay sakop nito ang Davao City.

 

AFP photo
Read more...