Bagyong Quedan nakapasok na sa bansa

PAGASA

Tuluyang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong may international name na Saola.

Ayon Kay PAGASA weather forecaster Niko Peñaranda, pasado alas-tres ng hapon ng pumasok ang bagyo na tinawag na Quedan sa may bahagi ng Catanduanes.

Pero ang bagyo ay inaasahan na hindi tatama sa kalupaan na huling namataan sa layong 1,170 kilometro Silangan ng karagatang malapit sa Virac, Catanduanes.

Ang bagyong ‘Quedan’ ay taglay ang lakas ng hangin na 80kph at pagbugsong 95kph at kumikilos sa direksyong Hilagang-Kanluran.

Tinatahak ngayon ng bagyo ang direksyon ng Casiguran, Aurora.

Ang bagyong Quedan ay inaasahang lalabas sa bansa makalipas lamang ang ilang ora at babagtas sa bahagi ng Batanes.

Sa ngayon wala pang mga lugar ang nasa ilalim ng warning signal.

Read more...