Sen. Villanueva: John Paul Solano di dapat paniwalaan

Radyo Inquirer

Hindi na umano dapat na pagkatiwalaan pa si John Paul Solano, isa sa mga miyembro ng Aegis Juris fraternity at pangunahing suspek sa pagkamatay ni Horacio “Atio” Castillo III.

Ito ang naging reaksyon ni Sen. Joel Villanueva sa bagong pahayag ni Solano na may heart condition si Atio bago ito mamatay sa isang hazing rite.

Dismayado si Villanueva dahil nagtiwala ang Senado kay Solano sa mga naging pahayag nito sa executive session at sa pag-aakala nila ay ito rin ang sasabihin ni Solano sa kanyang affidavit sa otoridad at korte.

Ani Villanueva, walang kahit isang tao sa mundo ang maniniwala sa panibagong pahayag ni Solano.

Dahil dito hindi na aniya makapag-aantay ang Senador para sa susunod na hearing para makaharap muli si Solano dahil na rin sa mga panibagong palusot nito.

Read more...