Ayon kay Multan police chief Azhar Ikram, nagmula ang pagsabog nang tumama ang isang motorsiklo sa isang auto rickshaw na sasakyan na hinihinalang may dalang mga sumasabog na material habang tinatahak ang kahabaan ng Vehari.
Dagdag pa ni Ikram, sumabog ang nakasabit na cylinder ng Compress Natural Gas (CNG), na siya namang natagpuan ng ilang mga bomb staff.
Patuloy namang isinasagawa ang imbstigasyon upang makilala ang nakasakay, upang malaman kung saan nagmula ang nagdadala.
Malalaman na sa timog na bahagi ng Punjab ay nagkalat ang maraming militanteng kaanib ng Taliban.
Lubos namang inaalala ng otoridad ng Pakistan kung paano mareresolba ang pagdagsa ng napakaraming militanteng grupo, na iniinda na ng buong bansa sa halos isang dekada.
Disyembre noong nakaraang taon, namatay ang halos 130 mga bata sa isang paaralan sa Hilagang Kanluran ng Pakitstan nang magpasabog ang mga militanteng grupo.