Water service interruptions sa Metro Manila, kasado na

water rationingNag-anunsyo na ang Maynilad Water Services Inc. (Maynilad) sa publiko na mag ipon na ng tubig sa mga susunod na araw.

Ito ay dahil sa nakatakdang water service interruptions na sisimulan sa Miyerkules, Setyembre 16.

Sinabi ni Maynilad head of media relations Madel Zaide, na hindi naman advisable ang pag-iimbak ng tubig ng sobrang aga o kahit nitong nakalipas na linggo dahil maaari itong makontami dulot ng bakterya at maaari pamahayan ng mga lamok.

Aniya, mainam na dalawa o isang araw bago ang nakatakdang interruption magsagawa ng pag iipin ng tubig.

Bahagi pa rin ito ng paghahanda sa El Niño o tagtuyot na inaasahang mararanasan mula Disyembre hanggang sa susunod na taon.

Kaya nama’y dapat nang maibsan ang pressure sa Angat Dam at Ipo Dam na siyang pinagkukunan ng suplay ng Maynilad.

Nasa 900 barangays sa Metro Manila ang mawawalan ng suplay ng tubig mula alas-9:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw sa araw ng Miyerkules.

Posible namang tumagal nang hanggang 12 oras ang service interruption sa mga susunod pang linggo.

Kabilang sa mga maaapektuhan ng pagkawala ng water ay ang Caloocan City, Las Pinas City, Makati City, Malabon City, Maynila, Muntinlupa City, Navotas City, Paranaque City, Pasay City, Quezon City, Valenzuela City, Noveleta, Rosario, Cavite City, at Imus, Cavite.

Habang inaasahan din na ang isa pang water concessionaire na Manila Water ay magtatakda rin ng anunsyo ng schedule ukol sa kanilang isasagawang water interruptions.

Read more...