Kinilala ang nasawing biktima na si Arlene Alcala, 38, dating misis ni Sahjid Alcala na una nang naaresto ng mga otoridad sa kasong may kinalaman sa droga sa Pagbilao, Quezon.
Si Sahjid ay kasalukuyang nakapiit sa Pagbilao District Jail dahil sa naturang kaso.
Ayon kay Supt. Reynaldo Maclang, hepe ng Lucena City police, pinagbabaril ang biktimang si Arlene habang lulan ng kanyang kotse sa Bgy. Ilayang Iyam dakong alas 6:30, Martes ng gabi.
Noong nakaraang Setyembre, sinalakay ng mga pulis ang bahay ni Arlene sa San Juan Estate, sa Bgy. Isabang, sa Tayabas City, Quezon.
Nakakumpiska sa raid ng ilang sachet ng shabu at baril ang mga alagad ng batas.
Nagawang makapagpyansa ng biktima kaya’t pansamantala itong nakalaya.