Foreigner nabaon sa putik ng 2 araw na-rescue sa Rizal

Photo: San Mateo Rizal Incident Command and Control Ofc.

Isang matandang dayuhang lalaki na na-trap sa putik ng dalawang araw ang na-rescue ng Municipal Social Welfare and Development Office sa Rodriguez, Rizal.

Nakilala ang dayuhan na si Alberto Batch na residente ng Brgy. Balite sa bayan ng Rodriguez.

Isang guwardiya ng Security Intelligence Division ng Motorpool ang nakakita kay Batch na nakabaon ang bahagi ng katawan sa putik.

Kaagad na ipinagbigay alam ng gwardiya ang insidente sa mga tauhan sa munisipyo kung kaya agad itong na-rescue.

Nasa pangangalaga na ngayon ng MSWDO si Batch at binigyan ng first aid.

Read more...