Imbestigasyon ng Senado kay dating Comelec Chairman Bautista tuloy

Inquirer file photo

Itutuloy pa rin ng Senado ang imbestigasyon sa mga umanoy tagong yaman ni dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista.

Ito’y kahit pa nagbitiw na si Bautista bilang chairman ng Comelec.

Ayon kay Senador Francis Escudero, Chairman ng Senate Committee on Banks, partikular nilang iimbestigahan ang pagtatago umano ng yaman ng dating opisyal sa mga rural bank na pag-aari ng kaniyang mga kaibigan na umanoy hindi idineklara sa kanyang Statement of Assets Liabilities at Networth (SALN).

Paliwanag ni Escudero, tuloy ang imbestigasyon dahil sa mga isinusulong na panukala na tuluyan nang ipawalang bisa ang bank secrecy law.

Nagagamit kasi aniya ang batas lalo na ng mga nasa gobyerno para itago ang kanilang iligal na yaman.

Nauna nang inakusahan ni Patricia Bautista ang kaniyang asawa na umano’y nagkamal ng Bilyong Pisong halaga ng ill-gotten wealth na umanoy itinago sa tatlumpu’t limang bank accounts.

Read more...