China nagbigay ng mga heavy equipment para sa Marawi rehab

Photo: Ricky Brozas

Tinanggap na ng gobyerno ng Pilipinas ang ayuda na ipinagkaloob ng bansang China para sa rehabilitasyon ng Marawi City.

Sa turn-over ceremony sa punong-tanggapan ng DPWH sa Maynila ay malugod na isinalin ni China Ambassador to the Phils. Zhao Jianhua kay Secretary Mark Villar ang tulong para sa Marawi Rehab.

Ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

–           8 units ng excavators, wheel loaders, dump trucks, at cement mixer

–           5 units ng compactors, track type tractors, at bulldozers at

–           1 unit ng container van

Sa panayam, sinabi ni Villar na malaking tulong ang mga nabanggit na heavy equipment para sa mabilis na pagsasaayos ng Marawi.

Tiniyak naman ni Chinese Ambassador Zhao na hindi segunda mano ang mga kagamitan na kanilang ipinagkaloob sa Pilipinas.

Lahat aniya nang mga gamit na ibinigay nila sa bansa ay pawang higit na kakailanganin para sa Marawi Reconstruction.

Paglilinaw din nito, walang kapalit ang tulong  ng China para sa Pilipinas.

Samantala, pinabulaanan naman ni Marawi City Mayor Majul Usman Gandamra ang ulat na gusto nilang i-preserved ang ground zero kung saan tumagal ang bakbakan sa pagitan ng mga terorista at tropa ng pamahalaan.

Nabatid na aabot sa P155 Million ang halaga ng mga heavy equipment na donasyon ng China para sa Marawi City.

Read more...