Tuluyan nang pinutol ng House Committee on Justice ang impeachment process laban kay dating COMELEC Chairman Andres Bautista.
Ayon kay House Justice Committee Chairman Rey Umali moot and academic na ang impeachment complaint na inihain nina Atty. Ferdinand Topacio at dating Congressman Jing Paras laban kay Bautista.
Ito ay matapos na isumite ng mga abogado ni Bautista ang liham ni Executive Sec. Salvador Medialdea na tinatanggap ng Pangulong Duterte ang resignation ng Comelec chairman “effective immediately”.
Bukod dito, tinawagan din anya siya ni Medialdea kaninang alas dose y kwatro ng madaling-araw upang ipaalam na tinanggap na ng pangulo ang pagbibitiw ni Bautista.
Magandang balita anya para sa Kamara at Senado ang nangyari dahil sa natapos na ang impeachment kay Bautista.
Nagpasalamat naman si Umali kay Pangulong Duterte dahil sa agaran nitong aksyon sa resignation ng dating poll chief.