Ito’y kaugnay sa mga umano’y mapanira at walang basehang paratang ni Tolentino laban kay De Lima.
Ang abogado ng senadora na si Atty. Teddy Rigoroso ang naghain ng siyam na pahinang mosyon.
Nakapaloob dito ang kahilingang ma-cite in contempt si Tolentino at mapatawan ng karampatang parusa dahil sa mga naging pahayag nito sa publiko laban kay De Lima na lumabas sa media.
Isa na rito ang sinasabing recovery sa ballot boxes sa Calbayog clustered precinct no. 8, na base sa alegasyon ni Tolentino, maraming ballot boxes noong 2013 ang nahalo sa 2016.
Giit ng kampo ni De Lima, malaking kasinungalingan ang paratang na ito dahil batay sa ginawang retrieval nung July 3 at 10 ng taong kasalukuyan, iisa lang ang ballot box kung saan 2013 ang balllot box, at 2013 din ang mga laman na dokumento at hindi 2016.
Binanggit din sa mosyon na sa isa pang interview kay Tolentino, sinabi nito na “zero vote” siya sa Maguindanao, Basilan, Tawi-Tawi.
Ayon sa kampo ni De Lima, zero rin ang nakuhang boto ng senadora sa mga nasabing lugar at wala sa katwiran ang alegasyong siya’y nandaya dahil kung mandadaya, bakit kailangan pa niyang i-zero ang kanyang mga boto.
Sinabi ni Rigoroso na naniniwala si De Lima na desperado na ang kampo ni Tolentino dahil walang basehan na nakikita sa ginagawang revision kaugnay ng kanyang inihaing protesta sa SET.
Nabatid na 74 ballot boxes na mula sa Basilan, Maguindanao, Tawi-tawi, at mga lugar sa Western Samar tulad ng Basei at Calbayog at Bocaue, Bulacan ang nagawan na ng revision, pero wala umanong nakitang recovery sa protesta ni Tolentino.
Si De Lima ay nanalo bilang ika-labing dalawang senador noong 2016 Senatorial elections, habang nasa ikatlo lamang o bigong manalo si Tolentino.