Commissioner Christian Robert Lim, itinalagang acting chairman ng Comelec

Inquirer File Photo

Itinalaga ng Commission on Elections (Comelec) en banc si Commissioner Christian Robert Lim, bilang acting chairman ng poll body.

Ito ay makaraang tanggapin na ng Malakanyang at gawing effective immediately ang resignation ni Comelec Chairman Andres Bautista.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, sa isinagawang botohan, unanimous ang naging pasya ng Comelec en banc para italaga si Lim bilang acting chairman.

Paliwanag ni Jimenez, si Lim ang maituturing na most senior commissioner ng Comelec.

Siya rin ang may pinakamahabang karanasan sa pagdaraos ng halalan.

Noong nag-retiro si dating Comelec Chairman Sixto Brillantes, si Lim na rin ang nagsilbi bilang acting Comelec chairman.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...