200 kilos ng frozen meat, kinumpiska sa dalawang palengke Quezon City

File Photo | Courtesy of the QC Veterinary Department

Aabot sa dalawang daang kilo ng mishandled frozen meat ang kinumpiska ng Quezon City Veterinary Office sa dalawang palengke sa lungsod.

Sinalakay ng mga tauhan ng Quezon City Veterinary Office kasama ang mga miyembro ng SWAT ng Quezon City Police District ang Commonwealth Market at Novaliches Market.

Nabatid na hindi nakalagay sa freezer o chiller containers ang mga karne kung kaya kinumpiska ang mga ito.

Nangangamoy na din ang mga ito at iba na ang kulay ng karne.

Tinatayang nasa dalawampu hanggang dalawampu’t limang libong piso ang halaga ng mga nakumpiskang karne.

Dinala na sa Quezon City Hall ang mga nakumpiskang karne para i-dispose.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...