“Safe Trip Mo Sagot Ko” sa NLEX, SCTEX at CAVITEX para sa Undas

Handa na ang Metro Pacific Tollways Corporation o MPTC para sa paggunita sa Undas 2017.

Ayon sa MPTC, muli nilang ipatutupad ang “Safe Trip Mo Sagot Ko” o STMSK sa NLEX, SCTEX at CAVITEX ngayong Undas.

Ang STMSK ay ang motorist assistance program ng MPTC na layong maisaayos ang traffic management at toll collection services tuwing holidays.

May koordinasyon din ito sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno tulad ng DOTr, DPWH, LTO, PNP, MMDA, TRB at mga lokal na pamahalaan.

Sinabi ng MPTC, simula October 27 hanggang November 6, ang mga personnel ng NLEX-SCTEX ay mag-eextend ng kanilang working hours upang mahigpit na mamonitor at matutukan ang inaasahang dami ng pila ng mga sasakyan partikular sa Balintawak, Mindanao Avenue, Bocaue, Sta. Ines, Tarlac at Tipo toll plazas.

Magdedeploy din ang MPTC ng mga karagdagang patrol at incident response teams upang mabilis ba makaresponde o umasiste sa mga motorista.

Sa peak hours naman ng October 27, 28, 30, 31 at November 1, bubuksan ang 24 toll collection points sa Balintawak Toll Plaza; sampu sa Mindanao Avenue toll plaza at 16 sa Tarlac toll plaza.

At upang mapabilis ang transaksyon, magkakaroon ng portabooths at portable toll collection equipment.

Sa November 1 at 2, ayon sa MPTC, bukas ang 48 collection points sa Bocaue Toll Plaza, para sa southbound motorists o yung mga pabalik ng Metro Manila.

Sa CAVITEX naman, magdedeploy ng mas maraming traffic patrol officers at security personnel para sa traffic management at pag-ayuda sa mga motorista, habang mayroon ding ambulant tellers na nakastandby para mapabilis ang toll transactions.

Kaugnay nito, inanunsyo ng MPTC na ang lahat ng mainline road works sa NLEX-SCTEX ay suspendido umpisa October 27, at magreresume matapos ang ASEAN Summit sa November 16.

Sa CAVITEX, suspendido ang major road works mula October 27 hanggang November 2.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...