Libu-libong magsasaka, lumusob sa Philippine Coconut Authority sa QC

Kuha ni Jomar Piquero

Libu-libong mga magsasaka ang maagang nagtipun-tipon sa Elliptical Road sa Quezon City.

Sakay ng mga bus ang mga magsasaka na dumating sa lungsod bitbit ang mga placards, streamers at banners para kalampagin ang tanggapan ng Philippine Coconut Authority o PCA hinggil sa pamamahagi ng Coco Levy funds.

Kinabibilangan sila ng mga miyembro ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), Bicol Cocont Planters, Planters Association Inc., at iba pang grupo.

Mula elliptical road, sabay-sabay na nag-martsa ang grupo patungo sa PCA at saka kinalampag ang gate ng tanggapan.

Sigaw ng grupo, ibalik ang Coco Levy funds sa mga magniniyog at itigil privatization ng Coco Levy funds.

Muntikan pang makapasok ang mga raliyista sa gate ng PCA pero naharang sila ng mga naka-duty na gwardya.

Pinakiusapan din sila ng mga gwardya na huwag nang tangkain pang pumasok.

Bahagya namang na istorbo ang daloy ng trapiko bunsod ng nasabing pagkilos.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...