WATCH: 7 magkakatabing tindahan sa Central Village, Taguig, tinupok ng apoy

Kuha ni Mark Makalalad

Tinupok ng apoy ang pitong magkakatabing tindahan ng karne, prutas at gulay sa Luzon St, Central Village, Taguig pasado alas-12:00 ng hatinggabi ng Lunes, Oct. 24.

Ayon kay Hannah Velasco, Arson Investigator ng Taguig-Bureau of Fire Protection, posibleng faulty electrical wiring ang dahilan kung bakit sumiklab ang apoy sa palengke na nagresulta sa pagkakasunog ng pitong mga tindahan.

Dahil sa iba pang paninda na naka-plastic ay mabilis na kumalat ang apoy na itinaas sa ikalawang alarma alas 12:31 ng madaling araw.

Tinatayang humigit kumulang P100,000 ang pinasalang idinulot ng sunog.

Wala namang naitalang patay at nasugatan sa sunog na idineklarang fire out alas 12:56 ng madaling araw.

 

 

 

 

 

Read more...