26,000 pasahero ng MRT ang naapektuhan ng diaper na sumabit sa linya ng kuryente

Tinatayang nasa 26,000 na pasahero ang apektado ng “diaper problem” sa Metro Rail Transit o MRT-3 umaga ng Lunes (October 23).

Matatandaan na mayroon natagpuang adult diaper sa linya ng kuryente ng MRT sa pagitan ng Ayala at Buendia stations, kaya nagpatupd ng provisional service ang MRT.

Ayon kay Transportation Undersecretary Cesar Chavez, dahil sa aniya’y “diaper debacle”, nagkaroon ng isang oras at kalahating service interruption sa MRT kahapon ng umaga.

Dalawampu’t dalawang tren ang nagkansela ng biyahe kaya nasa 26,000 na mananakay ang biktima ng aberya o 1,182 na pasahero sa bawat biyahe.

Nauna nang sinabi ni Chavez na na-late din ang power team na aayos sana sa aberya makaraang ma-trapik sa EDSA.

Nakalipas naman maibalik ang normal na operasyon, nagkaroon muli ng aberya dahil sa “door problem” o nagkaproblema sa pinto ng isang tren.

 

 

 

 

 

Read more...