Sultan Kudarat, niyanig ng magnitude 3.7 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang bayan ng Palimbang sa Sultan Kudarat.

Naitala ang lindol alas 12:17 ng madaling araw sa 208 kilometers west ng Palimbang.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol at masyadong malalim kaya hindi ito inaasahang magdudulot ng pinsala.

Samantala, Lunes (Oct. 23) ng gabi nang maitala naman ng Phivolcs ang magnitude 3.5 na lindol sa Batangas.

Ayon sa Phivolcs, naganap ang pagyanig sa 17 kilometers West ng Tingloy sa Batangas.

Hindi rin inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershock ang nasabing pagyanig.

 

 

 

 

 

Read more...