Mga sundalong lumaban sa Marawi, pinuri ni US Defense Sec. Mattis

 

Pinuri ni US Defense Secretary James Mattis ang Pilipinas dahil sa tagumpay nito na sugpuin ang teroristang Islamic State sa Mindanao.

Si Mattis ay tutungo sa Pilipinas upang dumalo sa pagpupulong ng Southeast Asian defense ministers sa Clark, Pampanga.

Sa kanyang pagbiyahe patungong Pilipinas upang palakasin ang ugnayan ng dalawang bansa, sinabi ni Mattis na kanyang pasasalamatan at bibigyang-pugay ang mga sundalong nakipaglaban sa Marawi upang mapalaya ito sa sa kamay ng mga terorista.

Batid aniya niyang naging mahirap ang pinagdaanan ng mga sundalo upang mapigilan ang terorismo sa southern Mindanao.

Naniniwala rin si Mattis na ang pagkatalo ng mga mga terorista sa Marawi City ay naghahatid ng malakas na mensahe sa mga sumusuporta sa karahasan.

Read more...