Kaugnay ito ng pagkikipagpulong ni Trillanes kay US Senator Marco Rubio kung saan kanilang tinalakay ang hinggil sa PH-US alliance, gayundin ang mga isyu ng corruption at human rights situation sa Pilipinas.
Paliwanag ni Escudero, bagaman may kapangyarihan ang DOJ, sa pamamagitan ng NBI na imbestigahan si Trillanes, duda naman ang senador na papasok ito sa kasong treason.
Giit ni Escudero, posible anyang ito rin ang dahilan kung bakit dumistansya na rin ang Malakanyang sa nabanggit na usapin.
Samantala, sinabi naman ni Senador Gringo Honason na base sa kanilang tradisyon sa PMA, hindi nila agad hinuhusgahan ang motibo ng kanilang kasamahan.
Sa halip, hinikayat ni Honasan ang lahat na tutukan na lang ang magandang aspeto ng ating bansa at ang pagbibilang ng ating mga blessings, gayundin ang pagpapalakas sa ating pagkakaisa.