Carly Rae Jepsen, nasa Pilipinas

 

Carly Rae Jepsen
Inquirer file photo

Dumating na sa Pilipinas ang Canadian singer at songwriter na si Carly Rae Jepsen para sa kanyang concert bukas, Lunes, September 14.

Lumapag ang eroplanong sinakyan ni Jepsen sa Ninoy Aquino International Airport.

Ang concert ni Jepsen ay gaganapin bukas ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nakilala ang Canadian artist sa kanyang mga awitin na “Call Me Maybe”, “Emotions”, “I Really Like You”, at iba pa.

Matatandaang nakansela ang concert ni Jepsen noong Agosto dahil sa bagyo.

 

Read more...