ITCZ, makapagpapaulan sa halos buong bansa ngayong araw

Apektado ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang Southern Luzon at Visayas.

Ayon sa PAGASA, ang ITCZ ay magdudulot ng maulap na papawirin at kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa
Bicol Region, MIMAROPA, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, at sa lalawigan ng Quezon.

Maari ding makaranas ng moderate at kung minsan ay malalakas na buhos ng ulan ang nasabing mga lugar.

Samantala, localized thunderstorms naman ang iiral sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi pa ng bansa.

Sa ngayon, maliban sa ITCZ ay wala namang iba pang sama ng panahon na umiiral sa bansa.

Kung walang mabubuong LPA at bagyo sa susunod na mga araw, sinabi ng PAGASA na magiging maganda ang panahon sa bansa sa Undas.

 

 

 

 

 

Read more...