Biyahe ng MRT, nagka-aberya dahil sa diaper

Photo from DOTr Usec. Cesar Chavez

UPDATE: Maagang naperwisyo ang mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) ngayong umaga.

Ito ay dahil sa diaper na itinapon sa pagitan ng Ayala at Buendia stations.

Ayon sa abiso ni Department of Transportation (DOTr) Usec. Cesar Chavez, sumabit sa kawad ng MRT ang nasabing diaper.

Simula alas 6:16 ng umaga, sinimulan ang pagpapatupad ng provisional service ang MRT.

North Avenue station hanggang Shaw Boulevard station lamang ang biyahe at pabalik.

Walang naging biyahe mula Shaw Boulevard station hanggang Taft Ave. station at pabalik.

Alas 7:34 naman ng umaga nang maibalik sa normal ang biyahe ng MRT.

Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng MRT sa mga naapektuhang pasahero.

Samantala, makalipas ang ilang minuto, muli na namang nakaranas ng aberya sa MRT.

Pinababa ang mga pasahero sa Shaw Boulevard Station southbound alas 8:16 ng umaga dahil sa isang tren na nakitaan ng problema sa pinto.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...