Ito ang pahayag ni Drilon matapos niyang makipagpulong sa bagong special envoy ng Norwegian government sa Pilipinas para sa peace process sa komunistang grupo.
Ayon kay Drilon, kailangan nang manghimasok ng Senado para maisulong ang kapayapaan at pagkakaayos sa pagitan ng pamahalaan at ng NDFP.
Sa huli kasi aniya, isang batas ang kakailanganin para sa pagpapatibay o pagbuo ng relasyon ng magkabilang partido.
Nakipagpulong si Drilon kina Idun Tvedt and Elisabeth Slattum ng Ministry of Foreign Affairs ng Norway para sa peace talks kung saan tumutulong ang kanilang gobyerno bilang tagapamagitan.
Si Tvedt na ang papalit ngayon kay Slattum.
Nagpasalamat naman si Drilon sa pamahalaan ng Norway para sa mga tulong nito at pagsuporta sa peace negotiations ng gobyerno at ng NDFP.
Sa ngayon aniya ay hindi pa pormal na napag-uusapan ang peace process sa NDFP sa Senado.